Tatlong Tula

Huling Sandali 

(Pag-ibig)

Kung papipiliin man ako ng lugar
ng aking kapahingahan,
pipiliin kong manatili
sa iyong mga bisig.
Nais kong ipaghele mo akong muli,
Nais kong muling marinig ang Oyayi
mula sa malambing mong tinig,
habang malaya mong hinahaplos
at pinagmamasdan ang aking mukha
na dalawang dekada na ang itinanda.
Kung papipiliin man ako ng lugar
ng aking kapahingahan,
pipiliin kong manatili
sa iyong mga bisig.
Nais kong marinig muli
ang kuwento ni Pagong at Matsing
Ni Inang ibon at inakay,
Kung bakit matalino si Kokoy Unggoy.
Nais kong muling marinig ang ‘yong mga salaysay
Kung tunay ba ang mga tiyanak, duwende at aswang.
Kung totoo bang may tikbalang sa tapat ng bahay.
‘pagkat nais kong mulik ibalik ang aking musmos na isip.
Kung papipiliin man ako ng lugar
ng aking kapahingahan,
pipiliin kong manatili
sa iyong mga bisig.
Nais kong marinig muli
mula sa iyong labi
kung paano bumilang hanggang isandaan,
kung paano ko I-inglisin ang salitang “aso, pusa,kalabaw,kabayo, kambing at usa”
sapagkat sa ganitong paraan kita maaalala.
Kung papipiliin man ako ng lugar
ng aking kapahingahan,
pipiliin kong manatili
sa iyong mga bisig.
Nais kong hagkan ka nang mahigpit.
Gayong ito na ang huling sandaling
Ika’y aking masisilip.
“KANINA”
(Pag-asa)
ni Princess Calacala
Lagi kitang maaalala sa pulang bagay:
sa pulang panyo,
sa pulang bandera,
sa pulang kamiseta.
Lagi kitang maaalala sa pulang bagay;
Gaya ng pagpapaalala sa akin ng mga pulang guhit ng tinta
sa bawat salita na dapat itama,
sa bawat lukot na pahina
na iyong iniwan,
sa munting papel na minsan nating sinulatan
ng ating ipinaglalaban
Lagi kitang maaalala sa pulang bagay:
Gaya ng pagpapaalala sa akin
ng pulang marka
na iniwan mo sa aking puso,
kanina.
Ama Naman
(Pananampalataya)
Ama naman,
alam kong nasa bahay ka
Sinasamba ko ang ngalan mo
Napasailalim sa kapangyarihan mo,
sinunod ang loob mo
Dito sa bahay kahit pa nilalait.
Bigyan mo naman ako ngayon ng aking kalayaan sa araw-araw
At patawarin mo kung ako ay nagladlad,
Gaya ng pagpapatawad ko sa iyo nang ako’y binugbog mo
doon sa ating kuwarto
At huwag mo nang ipahintulot na ako’y matukso
At iadya mo ako na huwag nang masabihan ng masama.
Amen.
Aba Ginoo at Maria
Aba Gina at Maria,
Napupuna rin ba si Gracia?
Ang ilan ba’y taliwas sa inyo?
Binukod ba kayo sa kasarian ni Adan at Eba?
Kaya’t pinupulaan kayo ng anak ng iba?
Santa at Maria anak din kayo ng Diyos,
ipanalangin na lang ang sa inyo’y humuhusga,
ngayon hanggang sa sila’y mamatay.
Amen.
Tatlong Tula na lahok sa Saranggola Blog Awards

 

saranggola-336x280

Resume

PRINCESS CALACALA
79 Lawrence Street
Poblacion,San Miguel Bulacan.
princesscalacala@yahoo.com
(0936)4454019/(0947)7099397

Objective: To obtain entry level position in bla.bla.keme.

EDUCATIONAL BACKGROUND

2013-2017 Bulacan State University
Malolos,Bulacan
Tertiary

2009-2011
Dasmarinas National High School (Special Science Curriculum)
Dasmarinas,City Cavite

2011-2013 D.C.Nicolas Sr. School Inc .
Tigpalas,San Miguel Bulacan
Secondary

2001-2005 Sacdalan Elementary School
Sacdalan,San Miguel Bulacan
2007-2010 San Nicolas Elementary School
San Nicolas, Dasmarinas City Cavite
Primary

TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED

2011 Seminar workshop on desktop publishing using adobe page maker for student journalists.
•Learned the importance of adobe page maker in creating a newspaper.
2011- SAMAGFIL SEMINAR. Pangangalaga sa Wika
Learned how to communicate and value our language.

2011- Seminar workshop for future writers at DLSU-D
Learned some techniques how to write poems and essays

2014- Pandawan Kilalanin si Amang Jun Cruz Reyes
Learned the Pride of Bulacan and his works.

2014 Pagsulat ng Nobela . Sir Eros Atalia.
Learned how to write novels efficiently.

2014: Seminar About Copyright with Bebang Siy

2014: Alyansa ng mga tagapagtanggol ng Wikang Filipino 2014
Guest Speaker: David Michael San Juan

August 2, 2014: Licensing in the Field of Mass Communication
Speaker: Mr. Paulo Soliven
Concepts of Intellectual Property Rights, Copyright and Plagiarism
Speaker: Mr. Paul Anthony Mendoza
St. Andrew Publishing House

Sept 20, 2014
Cine Republica Kulturisadong Lalawigan
Guest Speakers: Eros Atalia, Mario J delos Reyes, Lhar Santiago

January 22, 2015
Paradigms: A lecture series
Theme: Literature as a social discourse
Guest Speakers: prof Ferdinand Lopez
University of Santo Tomas

F. Sionil Jose
National Artist For Literature

AWARDA AND HONORS

2014-2017 Summa bit. Wala pa . Kunyari Cum Laude.
Bulacan State University.

2012-2013
Salutatorian
D.C. Nicolas Sr.School Incorporated.
Best in English
Best in Filipino
Best in Science
Best in Social Studies
Best in Slogan Writing
Journalist of the year
Best in Thesis
Best editorial columnist
Best  mock paper . (1st place overall)
Academic Excellence Awardee
Huwarang Mag-aaral
1St place science quiz bee
2nd place pagsulat ng sanaysay (BULPRISA)
2Nd place Investigatory Project.
2ND PLACE FILIPINO QUIZ BEE.
1ST PLACE MASINING NI PAGKU-KWENTO.
BEST SCRIBE.
MAC Awardee.

2008-2009 Second honorable mention
San Nicolas Elementary School
Best in TLE ata ako nun wahaa

EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES

2010-2011 Overall secretary of SAMAGFIL
-DEPUTY,Student Government
Member,Dramativa Assosacion (acting committee)
Member (book lovers club)
Dasmarinas National High School
Masthead of Editorial board (Ang Silayan)

2012-2013 Overall secretary of Student Body Organization
Editor-in-chief (The Dreamers)
D.C.Nicolas Sr.School Inc
2014: 1st place pagsulat ng tula (Hiraya Kolektib)
2015: People’s Choice Award pagsulat ng Sanaysay

SPECIAL SKILLS

Writing skills- can write novels,short stories,poem,radio script,comic script,screenplay,movie,essays,editorial,news,feature,sports (Filipino category yan ang forte eh)
Acting skills

•PROFICIENT IN COMMUNICATION SKILLS ENGLISH ANDVTAGALOG

Tula

Sa pagitan ng dawag na matinik at tarangkahan
Karunungan ng makata’y pakikipagbalagtasan
gunita’y nakalulan sa mahiwagang karanasan
Datapuwat kat’wiran kung ituring ang kahinaan,
Muli’t muli pang ginigising ng kabalintunaan
nabibikig sa sala-salabat na katotohanan
Wika ang naglululan patungo sa kahiwagahan
Upang hatulan magkabilang panig na lumalaban

Ng makabagong henerasyong kabataan ang tulong
hingal-kabayong pagtakbo upang maabot ang gusto
Di kaya’y tulad ni Ka Kiko,

makikipagtagpo

Still Sleeping Is The Black Nazarene

(Poem)

how many packs of cigarettes, lolo hugo,
do you have to sell through the day
to buy pancit guisado
in be ho’s restaurant
at the corner of elizondo
for your waiting grandchild
inside a kneeling praying shanty
on the shoulder of the murky estero?
could you not just take home
plenty of holy bread
from the altar of father san pedro
and soak in holy water your cold rice?
the food might taste like stewed lamb
in the mouth of your crying haggard wife.

still sleeping is the black nazarene
inside the glossy glass coffin.

even you walk on oftentimes, lolo hugo,
from the spouting mouth
of the streets of r. hidalgo
down to the pulsating breast
of bilibid viejo
your feet could not kick a peso
nor a bread from heaven falls
nor your hands
be wet with porridge
cigarettes of those addicted like you
yes, cigarettes, and…

View original post 388 more words

Sa Muli Kong Paggising

Malaya kong inaaninag ang langit, natutuwa akong pagmasdan ang mga bituin. Wala akong alam ni isa sa kanila, basta ang alam ko’y bituin sila tapos!

Noong mga sandaling iyo’y tila may biglang kumiliti sa kaibuturan ng aking puso. Noon ko lamang naramdaman ang ganoong klase pagkiliti. Para akong kinukuryente. May lumapit sa aking isang lalaki. Matangkad, mga 5’9 siguro ang taas, makapal ang buhok, malalago ang pilik, katamtaman ang taas ng ilong, kayumanggi kaligatan, malaki ang tiyan. Sabi ko sa isip ko,

“Ay, walang abs?”,pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtitig sa kaniya.

Nahiga ako sa  ibabaw ng mga damo, malayang minamasdan ang kinang ng mga bituin sa langit. Sinaluhan niya ako sa aking ginagawa. Humiga rin siya. Napakabilis ng tibok ng aking puso noong mga sandaling iyon. Itinuro niya sa akin lahat ng nalalaman niyang pangalan ng bituin sa langit. Oo na lang ako nang oo noong mga sandaling iyon. Mas gusto kong pakinggan ang kaniyang boses kaysa makinig sa itinuturo niya sa akin. Wala akong pakialam sa pangalan ng mga itinuturo niya. Ang nais ko lamang malaman noon ay kung ano ang pangalan niya. Bigla na lamang kasi ang naging pagsulpot niya sa aking likuran.

Habang daldal siya nang daldal ay siya ko namang pagnanakaw ng tingin sa kaniya. Tila maningning na mga bituin ang kaniyang mga mata habang nagpapaliwanag sa aking harapan.

“Ang guwapo mo naman”, yan ang tanging naibulalas ko.

“Ano nga ulit, may sinasabi ka ba? pasensiya na hindi ko masyadong naintindihan”,

“Wala ,sabi ko ang galing mo naman, ang dami mong alam”

Hindi pala niya narinig ang sinabi ko. Panay bituin, panay bituin kasi ang paulit-ulit na binabanggit.

Natapos na siya sa kaniyang ipinapaliwanag. Muling tumahimik ang paligid. Tanging tibo lamang ng aking puso ang siya kong naririnig. Ang lakas, sobrang lakas. Bakit ganito? Hindi yata ito normal. Kinapa ko ang aking dibdib, pinakiramdaman ko subalit ayaw tumigil ng malakas na kabog.

Napatingin ako sa kanang bahagi ng aking puwesto, nakita ko siyang nagnanakaw ng tingin sa akin. Nagkatitigan kami. Halos limang segundo kaming nagkatitigan. Gusto kong ilapat ang aking mga labi sa mapupula niyang labi subalit may tinig na pumipigil sa akin. Nagkangitian kaming dalawa. Naglakas-loob na siyang putulin ang sandaling senaryo na nagpatahimik sa amin.

“Tara na, umuwi na tayo, malalim na ang gabi”, wika niya sa akin.

Inalalayan niya ako sa pagtayo. Sabay naming binagtas ang daan papalayo sa lugar na aming pinanggalingan. Nauuna ako ng kaunti sa paglalakad.

“Ay teka, nakakahiya mang tanungin perp ano nga pa lang pangalan mo?”,  paglalakas-loob kong tanong sa kaniya.

Isang minuto na yata ang lumipas subalit hindi pa siya sumasagot, paglingon ko sa aking likuran ay wala na siya.

“Saan kaya nagpunta ang taong iyon?, ni hindi man lang ako nakapagpakilala. Hindi ko rin naitanong ang pangalan noya. Hindi bale na nga, magkikita rin siguro kami.”

Umuwi ako sa aming tahanan bitbit ang nakakurbang linya sa aking mga labi.

Halos gabi-gabi’y nadadalas ang aking pagpaparoo’t parito sa lugar kung saan ko siya nakilala. Ganoon din siya. Tuwing gabi ay sinasamahan niya ako, nag-uusap kami, minsan nga’y inaabot pa hanggang magdamag. Madaldal din pala ang lalaking ito, hindi nauubusan ng kuwento.

Isang gabi, bago ako magpaalam sa kaniya’y biniro ko po siya ng ganito

“Oh matulog ka na, hindi ka mahal noon”

“Hindi mo ako mahal?”, tanong niya.

Bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung namumula na ba ako nang mga sandaling iyon. Buti na lang at gabi na. Hindi masyadong halata ang pamumula ng aking mga pisngi.
Walang ano-ano’y sumagot ako ng katagang

“Mahal”

Ano nga ulit ‘yong sinabi mo?

“Sabi ko, Mahal kita”

“Mahal din kita, mukhang magiging masarap ang tulog ko nito ah”

Nagpaalam na kami sa isa’t isa. Hinatid niya ako hanggang sa tarangkahan ng aming bahay. Nagpaalam ako sa kaniya. Naisin ko man siyang hagkan ay hindi maaari. Hanggang titig na lamang ako sa papalayo niyang likuran.

Muli kong naramdaman ang bagay na una kong naramdaman noong gabing nakita ko siya. Subalit sa pagkakataong ito’y tila may gumugulo sa aking isipan. Tila may bumubulong sa akin na hindi na siya babalik. Tinakpan ko ang aking tainga, nagtatakbo papasok sa aking silid. Ayaw kong isipin na hindi ko na siya makikita. Ayaw kong isipin na hindi na siya babalik sa akin. Ngayong gabi ko napatunayan na totoo nga ang pagmamahal ko sa kaniya. Na ngayon na lamang ako ulit nakaramdaman ng ganito kaalab na pagmamahal. Umiiyak ako, apura ang hikbi. Hanggang sa nakatulog ako.

Naudlot ang aking kahibangan nang bigla akong gisingin ng aking ina. Ang malambing na haplos ng kamay ng aking ina ang gumising sa akin noong mga sandaling iyon.

“Gumising ka na anak, baka mahuhuli ka na sa eskuwela”

Nginitian ko lamang siya. Iniwan na niya ako sa aking silid.
Noon ko lamang napagtanto na panaginip lang pala ang lahat.
Natagpuan ko ang aking sarili na humihikbi pa rin. May mga luhang umaagos galing sa aking mga mata.

May isang lalaki akong nakilala mula sa aking panaginip. Sino kaya siya? Hindi ko naitanong ang kaniyang pangalan. Ito ang paulit-ulit na katanungang sumasagi sa aking isip.

Madali akong nagbihis. Kinuha ko ang aking diary, dinala ko sa paaralan. Tuwing may bakanteng oras ay isinusulat ko ang mga natatandaan kong pangyayari.
Sinabi ko sa aking sarili na

Sana sa aking paggising ay masilayan kitang muli. Sana sa muli kong paggising maging totoo na ang lahat. Sana sa muli kong paggising ay makita ka man lang sa totoong buhay–hindi lamang sa panaginip. Sana nga’y totoo ka. Gusto kitang  mahagkan at makilala nang lubusan. Gusto kong makasama kang abutin ang mga bituin, tuparin ang mga pangarap, pangingitiin natin si inang kalikasan. Saba’y nating haharapin ang bagong paraiso ng daigdig na tatahakin nating dalawa. Sana’y batid mo rin na nag-iwan ka nang napakalaking espasyo sa aking puso, ikaw lamang ang tanging makapupuno sa puwang na ito. Ikaw lamang ang tanging makabubuo sa damdamin kong ito. Nawa’y mabatid mo ang pag-ibig ko sa ‘yo.  Minahal kita umpisa pa lamang. Lahat ng sinabi at pinakita kong pang-unawa ay totoo. May sinseridad ang bawat  pagbitaw ko ng katagang “MAHAL KITA”. Sana’y nauunawaan mo ang isinisigaw nitong puso kong luhaan. Sana’y maramdaman at malaman mong ikaw pa rin ang kaniyang isinisigaw. Minsan nga’y natatawa ako sa aking sarili. Bakit nga ba ganito anh epekto mo sa akin gayong hindi pa naman talaga tayo nagkikita? Siguro nga’y may ganitong klase ng pag-ibig. Muli kong uulitin na maghihintay ako hanggang sa ika’y matagpuan ko sa mundong ito.
Sasambahin ko ang mga bituin sa langit magkita lamang tayong muli. At sana sa pagkakataong iyon ay hindi lamang sa panaginip kundi sa totoong buhay.

-Andromeda

GIHAY

Tapos na ang Balik Diwa. Ang unang banda para sa gabing ito. Ngunit hindi pa rin tumitigil sa pag-iingay ang mga manonood. Ang susunod na tutuntong sa entablado ng Manila Sound Chamber ngayong gabi ay walang iba kung hindi ang Gihay. Ang aking banda…

Nakaririndi ang paligid dulot ng mga hiyawan at walang humpay na palakpakan. At gaya ng inaasahan, isinisigaw nila ang aking matikas na pangalan. Ako si Tomas Hipolito. Ang nag-iisang “Agila” ng rak en rol sa Pilipinas! Sa bawat kumpas ng aking mga daliri, sa tuwing iwawagayway ko ang aking mga kamay, at sa muling pag-ragasa ng aking nagngangalit na gitara, ako at ako lang, wala ng iba, ang maghahari sa entabladong ito…

Sa pagpasok pa lamang ng nagmumurang intro’y sinabayan ko na agad ito ng pagpapadulas sa bote. Kasabay nito’y ang pagkalabit ko sa kuwerdas ng aking gitara. Kakaiba ang naging tunog nito noong mga oras na iyon, tila dumadagundong na kulog at nakabibinging sirena ng tren ang umaalingawngaw sa paligid. Hudyat lamang ito na nag-uumpisa na nga ang delubyo. Sabay-sabay pumasok ang iba, nagsama-sama ang bawat isa. Iginiya ko sila sa aking makulay na mundo. Mundo na binabalot ng dagundong at mahiko.

Ang unang kanta ngayong gabi, ay “Sa Dilim”. Kinaskas ko nang pagkabilis-bilis ang aking gitara kasabay ng pagpaspas sa ‘bass drum’ ng aking drummer na si Neo. Nag-iisa lamang akong gitarista ng Gihay. Hindi ko kailangan ng pangalawang gitarista upang pakapalin ang tunog ng aking banda. Ang aking kagalingan sa pagtugtog ng gitara ay hindi mo kailanman maihahambing sa mga mahuhusay na gitarista ng bansang ito. Dahil ako! Ako ang pinakamahusay sa lahat!

Kung ang aking kaibigang si Resty Fabunan ng Maria Cafra ay nagsisilab ng gitara na nagiging sanhi nang pagkamangha at nakabibinging hiyawan at palakpakan ng mga manonood, ako naman ay may kakayahang alisin sa isipan ng aking mga tagahanga ang kasalukuyang bagyo na nagbabadya pa yatang maging sanhi ng malawakang pagbaha sa labas ng music bar na ito.

Sa umaga’y nakatanga lamang ako buong maghapon sa pagbabantay ng aking electronics shop sa Sta. Mesa, at pagsapit ng gabi, ang elektrisiyang si Tomas Hipolito ay nagiging diyos sa gitna ng entabladong ito. At sa bawat bagong nilalang na mangangahas pumasok sa pintuan ng aking mundo’y mabilis na napapalitan ang kanyang pananaw para sa musikang Pilipino. Tawagin mo na ‘kong Agila. Gitarista. At ito ang aking napakaingay, napakagulo, at napakadilim na istorya…

*

“Tomas putang ina ka! Katanghaliang tapat gitara na naman ang hawak mong inutil ka, wala ka pang sinaing gago!”, sigaw ng indolente kong ama.
Kagaya ng mga nagdaang araw, kay aga-aga pa’y lasing na naman siya. Maingat kong isinandal ang aking gitara at mabilis na nagtungo sa walang kalaman- laman naming kusina.

“Sa susunod na dumating akong walang pagkain, ipapalamon ko talaga sa ‘yo yang gitara na iyan ‘wag mo akong susubukan tinamaan ng lintik kang bata ka!”

Watch ““Slap her”: children’s reactions” on YouTube

“Slap her”: children’s reactions: http://youtu.be/b2OcKQ_mbiQ Kung panonoorin mo ng isang beses. Marahil ay matutuwa ka sa mga bata. Mapapangiti ka sapagkat hindi nila nagawang saktan ang magandang dalaga. Una sa lahat, nagiging factor ang ganda. Dahil babae ang kaharap nila. Nagpapakita lamang ito ng isang stereotype na pagtingin. Napaka-unfair ng pinanood mo na yan. Bakit? Kasi ganito. Sa usapin ng sekswalidad. Nasagasaan ang dalawang natitirang kasarian. Tanggapin man o hindi, kabilang na sila sa ating heograpiya. Palagi na lang ang usapin ng kababaihan at kalalakihan ang nangingibabaw. Bakit kaya iisa lang ang variable na ginamit nila? Di ba dapat dalawa? Isang pangit, isang maganda. O bakit kaya hindi nila sinubukang gawing instrumento ang tomboy at bakla? Para malaman natin kung sasampalin nga nila. Paano na lang halimbawa kung pangit ang nasa katayuan na yan. At ikaw ang lalaki. Sabihin na rin natin na itsura ng kinaiinisan mo ang nasa harapan mo, magbabago kaya ang tingin mo? Nag-trending yan. Ang daming magagandang komento. Hindi naman ako salungat dito.Kesyo ang sweet daw. Nice. Pero hindi ba nila naiisip na napakalaki ng dagok na kinakaharap ng ibang tao? “Hindi ka dapat saktan dahil babae ka”. Babae lang ba ang hindi dapat saktan? Paano naman ang iba? Tandaan na hindi tayo umiikot sa mundo na dalawang uri ng sekswalidad ang kasama. Sa pagkakataong ito, GUMAGAMIT SILA NG SINGLE STORY PARA LANG MABIGYAN NG KATEGORYA ANG GANIYANG KLASE NG KONSEPTO. MINSAN NAGMUMUKHA TAYONG KAWAWA AT KATAWA-TAWA SA HARAP NG MEDIA. NAGAGAWA NILA TAYONG PAGLARUAN. NAKAKAHON TAYO. HINDI MAKALABAS. HINDI KA NAMAN NILA PINUPWERSA NA MANOOD, PERO PINANONOOD MO. ANG TAWAG DUN AY (ISA) o Ideological State apparatus. Sa usapin ng ideolohiya, nakalulungkot isipin na talo ng mayaman ang mahirap. Talo ng mga makapangyarihan ang mahirap.Talo ng maganda ang pangit. Talo ng malandi ang maganda. Talo ng hipon ang mataba. Talo ng lalaki ang babae. Talo ng lalaki ang bakla. Talo ng tomboy ang mga babae vice versa. NAKAKALUNGKOT LANG ISIPIN, MAY NABUBURANG IDENTIDAD PARA LANG MAKAGAWA NG PANIBAGONG ESTRUKTURA. LAGI’T LAGI NA LANG SILANG NAKABATAY SA IISANG ITSURA O PAGKAKAKILANLAN NG ISANG TAO. BAGAY O KUNG ANUMAN ANG NAMAMAYAGPAG SA KASALUKUYAN. MALI ANG KANILANG KONSEPTO. MAGING TAYO. MALI. MALI ANG NAGIGING PANANAW  DAHIL NALALASON TAYO NG HINDI NAMAMALAYAN. IYON NGA UNG I.S.A kanina. Kinakailangang tiyakin na isa lamang itong posibilidad. Isang uri lamang para sa nakarari at hindi lang panlalahat. Akala kasi ng iba okay lang. Pero mali. Sa mga pelikula at kung ano pang telenobela, ginagawa lang nila ito dahil gusto nilang mapaganda ang istorya. Isang paglalagay ng sarili sa ganoong uri ng sitwasyon. Walang inaalalang masasagasaan. Ang tanging hinahangad ay salapi! Hindi ang maiangat ang karunungan ng mga nakakapanood. Ilan lamang ito sa obserbasyon ko. Minsa’y kailangan nating buksan ang mga mata para sa lahat. -Princess Calacala

Previous Older Entries